Thursday, September 13, 2007

Exam Bloopers

Hindi ko talaga alam kung bakit punung-puno ako ng kamalasan tuwing may exam. "Anong ginawa mooo? (The Mang Sonny way)"

Math21
Sabi sa direction, find the area of the region bounded by the two functions. Ang ginawa ko? Isinulat ko lang ang isang simpleng equation at hindi ko man lang naisip na i-simplify.

Isa pa. Isusubstitute ko na nga lang iyong value doon sa equation, hindi ko pa naisulat ang taeng coefficient. Imbis na tumama, nabawasan pa talaga ako ng points.

At huli, tandaan, 4*2 = 8
HINDI 6.
But at least, matino talaga ang scores ko sa Math. Merci, Sir Mark! :D

Electronics101
2/4 items na nga lang ang nasagutan ko na siguradong-sigurado ako sa sagot, nabawasan pa. Ang dahilan? Minus points para sa bawat katangahang nagawa.

Una, hindi ko naitapat ang fraction bar sa taeng equal sign. Ikalawa, hindi ko inilagay explicitly ang label sa isang variable na understandable naman talagang para doon iyong variable na ginamit ko.Maarte lang talaga ang teacher namin.

Kaya nga F ang halos karamihan sa midterm mark na kabibigay lang niya. Kitang-kita naman sa pinakitang table ng grades. The hell with it.

No comments: