Huling linggo na lang ng semester. [at isang araw pa.]
Sobrang sawing tao ako, isang sawing taong sinira ang sarili dahil lagi na lang nagpapanic sa lahat ng bagay. Ito na yata ang epekto ng sampu hanggang labing-apat na oras ng tulog bawat araw noong bakasyon. Anxiety disorder. Kaya pagdating ng exam, parang hindi talaga ako nag-aral dahil nabubura ang ilang mga napag-aralan ko. Short-term memory loss. Selective amnesia. Kung ano man ang tawag doon. Bad trip. Parang tuwing may exam, kung ano pa ang dapat na hindi makalimutan, iyon pa talaga ang nawawala sa memory ko.
Pakiramdam ko talaga isa akong napakasawing tao. Dati akala ko "DL? Kakayanin ko 'to. Kaya ko 'to. Kinaya kong maging ganyan noong high school" Ngayon... wala na. Sirang-sira na. Sirang-sira na talaga ang lahat. ECE kasi, pahirap sa buhay.
Ang saklap talaga. Friday the 13th ba ngayon para malasin ako ng ganito? Nakakainis. Math. D. Inaamin kong hindi ko talaga naiintindihan minsan ang grammar ng mga Math teacher pero hindi kp talaga na-gets ang kahuli-hulihang tanong, word problem iyon. Ayos na sana ang lahat, sumabit pa ang record ng mga long tests ko at biglaan pang nagkaroon ng D. [Via, you are so dead.]
Ikalawa, Filipino. Uulitin ang report. Kung bakit ba naman kasi sa amin pa napunta ang mga [sorry sa gagamiting salita...] "latak" ng klase. Ang sama ko. Sorry na, pero naiinis lang kasi ako sa ibang mga tao sa paligid-ligid kasi nga pinagsasabihan mo na kung ano ang maitutulong sa grupo, hindi pa nakikisama. Nakakainis. Kung pwede lang na kaming apat na lang ang gumawa mukhang mas ayos pa.
Ikatlo, nagkaroon ng virus ang laptop ko. Hindi ko naman sinisisi si Elaine sa nangyari. Hindi naman talaga maiiwasang malagyan na rin ang laptop ko kasi kailangang magpalitan ng mga files para sa project namin sa Filipino na kaming apat lang ang gumawa ng 90% ng proyekto.
Crunch time. Pressure. Hell weeks. Panic mode. Stress. Tension. Tulog. Kape. Iyan na lang yata ang mga salitang naririnig ko sa sarili ko ngayon. Hindi ko na talaga alam. WAAAAA! Ewan. Ang gulo.
Sabi nga namin ni Elaine, ECE is our second home. Ayokong umalis dito, saan naman ako lilipat? Wala namang ibang kaparis ng ECE. It's the best. Kaso, ang hirap nga lang. Nakakainis talaga minsan. Ang hirap naman kasi talaga. [ang daming pang reklamo, eh.]
Pero dahil si Via ito, walang mahirap. Kaya ko ito!
*supersonic sonata plays*
No comments:
Post a Comment