Wednesday, November 28, 2007

Can't Be

I still can't feel school yet. Parang hindi ko pa nararamdaman ang pressure na ibinigay sa akin ng Elc101.1 last semester during finals week. Ganoon ba talaga ka-intense ang pressure at hindi ko talaga maramdamang nasa school na ulit ako para mag-aral? Yuck. Three days lang naman ang inilaan ko para mag-relax at mag-group study 'daw' sa Elc101.

Isipin na lang natin...

...kung gaano kasabaw ang itinuturo (at lalo na ng nagtuturo) sa 5-unit course na itago na lang natin sa pangalang Engineering Physics 41. Wala pa kaming klase noong isang linggo. Buong linggo. Mabuhay ka, Snow Hair Man.

...sa unang pagkakataon, hindi ko nakita si Towel Dude dahil literally, wala talaga siya noong Friday. Masaya, yey. Pero ayos na sana kung hindi na nagbigay ng quiz na mali rin naman pala ang maisusulat na given sa board.

...kung ilang beses akong nag-yawn sa klase ni Dollhouser. Sa totoo lang, watch ko na lang yata ang tinitingnan ko at hindi ang pangalawang Human Shower na nagsasalita sa harap. Ito na yata ang pinakamalalang disadvantage ng mga taong laging umuupo sa harap.

...na kung hindi sana dumating iyong weird-o guy sa harap namin ni Ramos, sana medyo lumakas ng kahit ilang decibels man lang ang boses ni Terror Teacher. Hindi ko pa rin talagang maisip kung nagsasalita nga ba siya sa harap o kausap niya lang iyong board. Malabo. Mas mahina pa ang boses niya kaysa kay All-Time Substitute Teacher.

...na hanggang ngayon ay sumasakay pa rin ako ng trike papunta ng covered courts kahit nakatira ako malapit sa Cornfield. In short, sa ISO. Masyado kasing "kagana-ganang marinig" ang ka-corny-han ni TaiChi Master. The moves, dude.

...kung walang codenames na inimbento si Elaine, makikita agad ang blog entry na ito kapag may nagsearch sa mga pangalan nila.

No comments: