Thursday, May 8, 2008

Oo na Hindi

OO.

Tinanggap ko ang request ng mga tao. Una, dahil mabait akong tao. (Yuck. Bitch, puh-lease!) Ikalawa, dahil na-feel ko naman ang appreciation nila sa not-so-good Photoshop skills ko na hindi ko alam kung saang lupalop ng mundo ko napulot. Boredom lang siguro, madalas na pagkalikot sa Adobe CS2... and the like.

Ikatlo, dahil kaibigan ko sila. (Except doon sa isang nagtext sa akin na hindi ko talaga kilala kahit nagpakilala siya, out of the blue, na pinag-isipan pa raw niya iyong sasabihin niya sa akin.) Medyo nakakasabaw isipin, pero natawa din ako doon. Hahaha. Sabaw kasi e, ang dami rin niyang nasabi, di ko naman naintindihan iyong iba. Pumayag na rin ako. Hahaha. Hindi ko rin alam kung sino ang mga may pakana sa pagkalat na hindi ako caveman in terms of Photoshop.

Foine. Nalaman na ng iba e. Konti lang naman sana dapat ang nakakaalam. Ayokong malaman ito ng marami dahil... sa next few sentences ay sasabihin ko na ang dahilan.


HINDI.

At some point, gusto ko rin tumanggi sa mga request na ito. Mabait kasi akong masyado, ayokong i-reject ang mga tao as much as possible. (Yuck, drama? Nu-uh.) Isa lang naman ang reason para dito...


TAMAD AKONG TAO.

Mas gugustuhin ko pang mabulok kaysa gumawa ng kahit na ano. Malabo akong tao. Kapag bored ako, gusto kong sana pumapasok na lang ako sa school. Kapag may pasok naman, gusto kong sana wala na lang akong ginagawa.

Na-feel ko na sa mga panahong ito, in-demand ang Puto-shop skills ko. Gusto kong tanggihan pero ayaw ko din naman na hindi sila pagbigyan. Mabait nga ako e. (Wala na kasing kokontra.) Isa pa lang ang nagagawa ko. Tatlo ang request nila. Sa nasimulan ko, tingin ko hindi ko pa rin matatapos iyon hanggang bukas. Isa doon sa tatlo, kailangan na daw nila sa Friday night.

Kumusta ka naman?

Ang bagal ko ngang gumawa dahil hindi gumagana ang utak ko ngayon. Kulang sa inspirasyon. Mukhang kailangan ulit manood ng Honey and Clover (はちみつ と クロハ") para magpaka-artsy-fartsy ulit.

Hay... life.

Parang buhay.

Ang dami kong reklamo.

At ang dami ko ring nasabi. Dahil sabaw na nga ako habang sinusulat ko itong entry na ito.



Pinipilit gumana ang utak,

No comments: