Ang slow ko talaga sa ilang mga bagay.
1 - sa pagsisink-in sa utak ko ng mga lessons namin. Minsan talaga kapag nasasabaw ka na, wala na talagang pumapasok sa utak. Ganoon talaga ang buhay e.
2 - sa pagkain. Wala e, ang bagal ko talaga.
3 - sa mga bagay na walang kuwenta tulad na lang ng sinabi ni Mara at ni Rachel kanina sa akin:
MOMENT 1: Inaaya ka na ngang pumunta sa Katipunan para pumunta sa tutors ninyo hinintay mo pa si Elaine. Sana iniwanan mo na iyang si Elaine, e di sana may moment kayo.
Oo nga naman. Bobo kasi e. Slow.
MOMENT 2: Nakikishare ng payong. Hinintay mo pa kasi iyong ibang mga babae. E di sana naka-share kayo sa payong kahit na maliit pa iyong payong mo at tatlo kayong magsheshare doon. Ayaw mo noon, siksikan kayo. Hahaha.
Oo nga naman. Bobo kasi e. Slow.
No comments:
Post a Comment