Sunday, March 2, 2008

Sh*t

Naligo ako sa ulan ng hindi oras. Pagsakay namin ng trike sa Ministop galing LRT2 Katipunan, bumuhos bigla ang napakalakas na ulan. Umaandar na noon yung trike tapos huminto siya at naglagay ng takip. Akala naman namin damay kami doon pero hindi. Nababasa kami sa loob.

Starbucks ang destinasyon namin pero sa Shakey’s lang daw niya kami ibababa. Kupal nung driver. Malamang wala na kaming choice kung hindi maglakad habang umuulan ng malakas. Share sa payong.

Basang-basa kami sa ulan. Masyado kasing maliit ang payong na shinare namin ni Ronna.

At siyempre, mandatory ang iwanan mo ang basang payong sa Starbucks ayon sa guard.Tatanga-tanga naman kasi, naiwanan ko iyong payong.

Nabasa ang loob ng sapatos ko dahil din sa biglaang pagbuhos ng ulan.

Buti na lang may multi-purpose hand dryer. Ginamit naming pang-tuyo ni Ronna.

Ang saklap ng kalahati ng dress ni Ronna, basang-basa talaga. hahaha.

Nag-hang ang iPod ko.

Nawawala ang takip ng microUSB socket ng phone ko. Fuck. Shit.

Hindi ko na makita kahit binalikan ko iyong dinaanan ko mula sa pathway ng blue overpass hanggang dorm.

Madilim pa naman. Kasi nga gabi na.

And now my phone looks as ugly as hell.

Ang malas ng araw na ito.

No comments: