Wednesday, January 30, 2008

Group Study

@ Matteo Ricci Study Hall with Mara, Janine, Elaine, Jepi, Mev and Nico.

Math, ang subject na hindi nababagay pag-aralan in groups unless mapipigilan niyong huwag gumawa ng ibang bagay na nakakasabaw tulad ng pagkanta ng wala sa tono (Mev), pagdaldal (JP), pagdating ng sundo (Mara), pag-uwi ng maaga (Elaine at Janine). Naiwanan ako kasama ng tatlong sabaw na tao.

Ibang klase ang convincing powers ni JP at napasama ako sa bahay nila Mev sa Xavierville. Bago umalis ng Matteo, gumawa sila ng game plan. Siyempre, tahimik lang ako kasi hindi rin naman ako makakasingit sa mga kasama ko. This is the gameplan:
1 - Aalis ng Matteo.
2 - Pupunta sa parking para sumakay ng kotse ni Nico. Hihintayin namin si JP para i-park ang kanyang sasakyan malapit sa overpass.
3 - Pagka-park, sasakay na rin si JP sa kotse ni Nico.
4 - Katipunan.

Nasiraan pa ng aircon si Nico at napahinto pa kami sa tapat ng Fruit Magic kasi umaamoy talaga sa loob ng kotse. Binuksan ang hood, at nagpaka-tanga sa nakita kasi lahat kami ay walang kaalam-alam sa dapat gawin. Tumawag sa magulang niya si Nico. Tumuloy din kami pero hindi na lang binuksan ang aircon.

5 - Bahay nila Mev.
6 - Magluluto ng pagkain.

Wala palang marunong magluto. Pero dahil no choice, nag-volunteer na si Nico na magluto ng scrambled egg pero nasunog naman. Brown na ang kinalabasan nung scrambled egg namin. Si JP naman nagluto ng sunog na luncheon meat na pinaghirapan kong hiwain. At ayon sa kanila, masyado raw pantay-pantay ang pagkakahiwa ko. (Na-OC). Si Mev naman, natuklasan ang kinalalagyan ng mga bagay sa bahay nila dahil kung hindi pa namin hahanapin, hindi rin niya malalaman.

7 - Mag-aaral.
(at dumaldal)

8 - Manood ng YouTube.
9 - Ihahatid ni Nico si Jepi sa parking.
10 - Ihahatid ni Nico si bee-yuh sa dorm niya.

Nasunod ang game plan, pero nasabaw lang kaming lahat. 11 PM, uwian na. Montik pang hindi ako iliko ni Nico sa daan patungong dorm. Photobucket Tae talagang mang-asar. At heto ako ngayon, naaadik sa paggawa ng vector drawing sa Photoshop.

No comments: