CANCELLED NAMAN ANG LOWEST LONG TEST.
Today's test sucks. Una, parang iyong isang item kakatanong ko lang kay Elaine bago ako pumasok ng Psy101, pero pareho namin nakalimutan. The item was exactly the same doon sa tinanong ko. Ang sabaw, pareho naming hindi nagawa.
Ikalawa, wala pa yata sa kalahati ang magiging total ng score ko kapag pinagsama-sama lahat. Ang dami kong nilaktawan at inasahang mabibigyan ng partial points (pero sa lagay ng teacher namin, mukhang may maliit na pag-asang makakuha ng mataas na partial points, worst 0 pa ang ibigay). Maswerte na siguro kapag naka-D ako. Lalo na kung C. Ang saya ko na siguro kapag naka-C pa ako, pero impossible. Haha. Ito na yata ang pinaka-nakakasawing Math long test na kinuha ko ngayong semester.
Ikatlo, lagi na lang iyon ang score ko. Second long test iyon din. First long test iyon din. At least ngayon naiba, kasi alam ko na talagang D or F na lang ang possible score ko. I can feel it.
At oo nga pala, sinadya kong liitan ang font size, para mahirapan kang basahin (kung sino ka mang nakabasa at nakaabot pa sa part na ito.)
No comments:
Post a Comment