Friday, June 19, 2009

Not an H1N1 post.

Kasalanan ng H1N1 kung bakit walang OrSem
Ibang-iba talaga ang mga freshmen ngayon. Ewan ko. Parang iba lang. Minsan kasi ma-fi-feel mong lost pa 'yung ibang tao. Meron ngang isang taong nag-impose ng sarili niyang locker at biglang nilagyan ng padlock 'yung locker ni Chaii. HAHAHA. May mga nagtatanong kung saan ito, nasaan 'yun...blah, blah, blah.

At higit sa lahat, bakit ang daming tao sa caf?

Wala na ba silang ibang alam na tambayan? Pwede naman sa Katipunan. Doon na lang sana sila, freshies pa naman sila...pabayaan na nila yung mga kuripot na upperclassmen sa caf. At isa pa, nakalagay naman doon: PRIORITY TO DINERS. Hindi kasi tambayan ang caf.

Bukod pa doon, palala ng palala ang traffic sa Katipunan. Minsan tuloy naiisip kong maglakad na lang kaysa sumakay pa ako ng trike dahil mas magtatagal lang ako kung ganoon. BOO.



At dahil mas sikat pa ang H1N1 virus kaysa sa ibang artista
Ang dami kong mga subjects na wala pang nagaganap na first meeting. Pesteng mga self-quarantine ekers. Mysterious tuloy ang Philo teacher namin, next Thursday pa lang yung first day of Philo classes namin. Although hindi ako excited sa subject, at least naman nakahanap ako ng kakilala ko sa Philo. Mahirap walang kakilala doon...paano na kapag nakatulog ka sa 3 oras na make-up classes, bakit nga ba kasi shortened semester? SABAW.

Sa Friday pa rin ang first meeting namin para sa Hi165. HAHA. As usual, dahil galing daw sa Singapore 'yung teacher namin, kailangan daw niyang mag-self-quarantine.

May mali sa pagsasalita ng Theo teacher namin. Ewan ko. Hindi niya yata kayang mag-roll ng R. Minsan, 'yung parang ay nagiging pawang. Hindi ko alam kung matatawa ako o hindi.


Dahil mahilig sila sa index cards
Tungkol naman sa ibang mga subjects...aka MAJORS...lagi namang sandali lang 'yung mga first meetings ... una sa lahat, pinagdadala ka lang ng index card for next meeting, naghahanap ng beadles, 'yung iba nag-check ng attendance ('yun ay kung maalala pa nilang gawin 'yun)...

Electromag -- ang pinakanakakasawing subject sa lahat. Hindi ko talaga alam kung ano'ng meron pero kahit anong pakikinig ang gawin ko sa pagdidiscuss ng teacher namin, nakakadugo ng ilong...nakaka-frustrate talaga. Kahit sabihin pa natin na favorite subject ko ito, NADA... minsan nakatitig na lang ako sa board --- para talagang foreign movie na walang subtitle.


Lagi na lang sawi ang department namin
Sino ba naman kasing baliw ang maglalagay ng 2 klase para sa 2 magkaibang teachers...sa 1 room at sabay na oras?

Kanina, nagulat na lang kami...'yung room namin para sa lab nahaluan ng mga 5th years. Nakakatawa din 'yung encounter nung 2 teacher na magtuturo sa 2 klase sa 1 room. OKAY. Kami naman talaga 'yung dapat na gagamit doon. Pero dahil mabait kaming lahat, nag-evacuate kami at sa hallway na lang itinuloy ng teacher namin ang announcement niya na mag-pair-up kami, isulat ang email addresses, at maghanap ng beadle.



SABAW first week. Buti na lang talaga at hindi nagpatalo ang RecWeek sa H1N1.


Hindi ko rin alam kung nakaapekto ang 4-hour meeting ng AECES sa pagsusulat ko ng post na hindi English ngayon. HOHOHO. Oh, well, papel. Alavet.

No comments: